Inilaglag ang FEU: La Salle vs Ateneo sa Semis

MANILA, Philippines - Nakitaan ng ibayong in­­ten­sidad ang La Salle sa huling anim na minuto upang burahin ang double-digit na kalamangan ng FEU tungo sa 69-66 panalo sa playoff ng 75th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Norbert Torres ay mayroong 11 puntos sa huling yugto pero mahahalagang puntos din ang ibinigay nina Almond Vosotros, Jeron Teng at Thomas Torres para sa Archers na tinapos ang laro gamit ang 19-6 palitan.

“Our battle cry was we refuse to lose. They tried to pull away but we didn’t give up and managed to pull this win. Thank God!” wika ni first year Archers coach Gee Abanilla na tinapos ang dalawang sunod na season na hindi nakapasok sa Final Four ang La Salle.

Makakatapat nila ang four-time defending champion Ateneo sa Final Four na kailangan nilang talunin ito ng dalawang sunod para makapasok sa Finals.

“We’re clearly the under­dogs. But I’m happy with our performance. We’re peaking at the right time and hopefully; the long lay-off of Ateneo will do well for us,” dagdag ni Abanilla.

Ito ang unang pagkakataon mula Season 70 na naalis naman ang Tamaraws sa semifinals at masakit ang kabiguan dahil hawak na nila ang 60-50 bentahe sa huling 6:52 ng labanan.

Pero sablay ang sumu­nod na siyam na bulso ng FEU habang si Torres ay naglagak ng siyam na puntos, si Vosotros ay may tres at isang 3-point play ang ibinigay ni Thomas Torres para kunin ng La Salle ang 67-60 bentahe.

Bumira ng magkasunod na tres sina RR Garcia at Terrence Romeo para idikit ang Tamaraws sa isa.

May split si Teng at sa depensa ay nahiritan si Chris Tolomia ng isang tra­velling error. Split uli si Vosotros bago ang pukol sa backcourt ni Romeo ay kinapos tungo sa malaking selebrasyon ng mga panatiko ng La Salle.

Tumapos ang 6’7 na si Torres taglay ang 21 puntos at 13 rebounds.

Si Romeo ang nanguna sa FEU sa kanyang 13 marka. (ATan)

La Salle 69 – N. Torres 21, Teng 15, Vosotros 9, Van Opstal 8, T. Torres 7, Mendoza 7, Andrada 2, Webb 0, Revilla 0.

FEU 66 – Romeo 13, M Bringas 12, Garcia 8, Hargrove 7, Mendoza 7, Pogoy 6, Belo 5, Escoto 4, Tolomia 2, A Bringas 2 Sentcheu 0.

Quarterscores: 13-19, 28-35, 46-52, 69-66.

Show comments