MANILA, Philippines - Kabuuang 16 pool players mula sa Bulacan ang makakasama ng mga katulad nina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Dennis Orcollo sa Villards Cup bukas sa Starmall sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Nasa kanilang ikaapat na taon, ang serye ng billiards tournaments na inilunsad ni Senator Manny Villar ay dinala na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Villards Cup is our own little way of encouraging the youth to engage in sports, and move them away from illegal drugs. Alam kong marami pang katulad ni Efren Bata o ni Orcollo sa ating mga kabataan. Gusto kong maging instrumento ang Villards Cup na matuklasan sila at mabigyan ng pagkakataon na makilala din.” ani Villar.
“Billiards now matches the popularity of basketball among Filipinos, especially the youth. Support for this sport should be encouraged and enhanced,” dagdag pa ni Villar, makakasama sa opening ceremonies sina Reyes, Bustamante, Orcollo at dating world champion Ronnie Alcano.
Nakataya sa torneo ang premyong P300,000 na ibibigay ni Congresswoman Cynthia Villar, ang managing director ng Villar Foundation, sa closing ceremonies sa Lunes.
Samantala, ipinanukala ni Senator Villar ang Senate Resolution No. 875 na nagbibigay ng parangal kay Orcollo para sa paghahari sa 2012 China Open sa Shanghai.
“Orcollo’s win solidifies the Filipino’s dominance over billiards. For years, more and more Filipinos are getting international fame in this sport and like boxing, people are seeing billiards as the Filipino’s game,” ani Villar.