St. Clare giniba ang CEU para sa No. 1 slot sa NAASCU

 MANILA, Philippines - Nanumbalik agad ang tikas ng St. Cla­re College tungo sa 76-65 panalo sa Centro Escolar University at angkinin ang number one seeding sa pagtatapos ng 12th NAASCU men’s basketball elimination noong Martes sa San Andres Sports Complex.

Si Jeff Viernes ay mayroong 21 puntos para muling pangunahan ang Saints na bumangon agad matapos lasapin ang natatanging pagkatalo sa kamay ng STI College sa huling laro.

Tinapos ng Saints ang elimination round bitbit ang 11-1 karta habang nalagay naman sa ikalawang puwesto ang Scor­pions sa 10-2 baraha.

Ang Olympians ay umani ng 70-60 ta­­­gumpay sa Our Lady of Fatima University para selyuhan ang ikatlong puwesto habang ang AMA Computer University ay nanaig sa New Era University, 69-53, para upuan ang ikaapat at huling puwesto sa Final Four.

Nagtabla ang Titans at Hunters sa 4-8 baraha pero ang una ang umabante dahil sa mas mataas na quotient.

Unang nanalo ang Hunters sa first round pero tatlong puntos lamang ang ka­nilang inilayo sa 74-71.

Show comments