Bilang paghahanda sa Suzuki Cup: Azkals susukatan ang Cambodia

Laro Ngayon

(National Olympic Stadium, Phnom Penh)

7 p.m. Cambodia vs Phl

MANILA, Philippines - Sasagupain ng Philippine Azkals ang Cambodia ngayong alas-7 ng gabi sa Phnom Penh para sa kanilang unang laro sa isang three-nation tour bilang paghahanda sa AFF Suzuki Cup sa Nobyembre.

Muling babandera sina Neil Etheridge, Rob Gier, Jerry Lucena at Paul Mulders, nanggaling sa kanilang mga European teams, para sa Azkals.

Sina Angel Guirado, Lexton Moy at James Younghusband ay napatawan ng one-game ban ng disciplinary committee ng Philippine Football Federation dahil sa “sexual harassment” complaint na isinampa ni dating POC president Cristy Ramos.

Bagamat pinawalang-sala ng PFF body sina Guirado at Moy mula sa alegasyon ni Ramos, pinarusahan pa rin sila dahil sa “breakdown in discipline” at “failure in leadership.”

Si Guirado ay kasama ng kanyang bagong club team sa India, habang si Moy ay wala sa line-up ng Azkals sa Cambodia. 

Show comments