1 gold, 1 bronze uwi ng Pinoy karatekas sa Busan

MANILA, Philippines – Nag-uwi ng isang ginto at isang tansong medalya ang Philippine team sa katatapos na K1 World Cup Karate Championship na ginanap sa Busan, South Korea.

Ang mga Pilipinong ka­ratista, na tinaguriang ‘Typhoon’ sa torneo na nilahukan ng mga mahuhusay na karatekas mula sa 17 bansa ay pinangunahan ni ‘Typhon’ Joanna Mae Ylanan na nakakuha ng gold medal.

Lumaban sa 68-kilogram category, ang 20-an­yos na tubong Tacloban City na si Ylanan ay tinalo ang lahat niyang nakaha­rap na mas malalaki at ma­tatangkad kaysa kanya upang siyang pinakama­ningning na bituin sa siyam-kataong koponan.

Si Ylanan, ayon kay PKF secretary general Raymond Lee Reyes na naging panauhin sa SCOOP MANILA session sa Kamayan Restaurant noong Biyernes, ang siyang pinakamaliit sa kanyang dibisyon.  

Si Princess Diane Sicangco ay minalas nang matalo siya sa final ng 61-kilogram dibisyon ng ka­labang taga- Hong Kong at nagkasiya na lamang sa silver medal.

Tagumpay din ang na­kamit ng koponan na lu­ma­hok sa International Junior Cadet championship na ginanap din sa Busan matapos ang World Cup.

Ang 14 anyos na si Char­les Bonagua at 13-an-yos na si Alex Lay ay tinanghal na mga best fighter sa 57-kg ng 14-15 age-bracket, at kata event sa 13-under class, ayon sa pagkakasu­nod.

Si Bryan Fontillas naman ang tinanghal na silver medalist sa 70-kg. division. Ang team nina Bonagua, Lay, Fontillas at Andrew Manantay ay pumangatlo sa boys’ team championship.

Show comments