FEU tumibay sa pakikisalo sa 2nd nu nalusutan sa buzzer beater

Laro sa Huwebes

 (Mall Of Asia Arena,

Pasay City)

2 pm Ateneo vs UE

4 pm La Salle vs UP

MANILA, Philippines – May dapat na ipagpasa­lamat ang Far Easter U sa desisyon ng UAAP na ga­mitin ang video bago maglabas ng desisyon lalo na kung endgame plays ang pag-uusapan.

Matapos sipatin ng maigi sa replay sa video, nailusot ng Tamaraws ang 77-75 panalo laban sa National University upang manatiling nakasosyo ang koponan sa University of Santo Tomas sa ikalawang puwesto sa 8-3 baraha matapos ang 75th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang disgrasya na dapat na hinarap ng Tamaraws ay naging biyaya nang makita sa ilang slomo replays na nabitiwan na ni RR Garcia ang pampanalong lay-up kasabay ng pagkaubos ng game clock para itulak naman ang Bulldogs sa ikalimang pagkatalo matapos ang 11 laro at bumaba sa ikalimang puwesto.

Tabla panalo na ang Tamaraws dahil nasa kanila ang bola sa huling 19.7 pero natapik ni Bobby Ray Parks Jr. ang bola para mapasakamay ng Bulldogs may pitong segundo pa sa orasan.

Pero sa pagmamadali ay nawala rin sa NU ang bola at nakuha ito ni Roger Pogoy na naipasa agad kay Garcia.

Inatake ni Garcia ang depensa tungo sa layup na ayon sa replay ay counted.

May 10 puntos si Garcia na tunay na pinamunuan ang kanyang koponan sa ibinigay na siyam na assists. Ang huling pasa nito para kay Terrence Romeo ang nagresulta sa tres upang hawakan ng FEU ang 75-73 kalamangan.

Pero si Romeo din ang dahilan kung bakit naitabla ng Bulldogs ang laban nang binigyan ng foul si Parks na naisalpak ang dalawang free throws para sa 75-all iskor.

Naipasok naman ni Christopher Javier ang natatanging tres na ipinukol sa laro para ibigay sa UE ang 79-76 panalo sa University of the Philippines sa unang laro.

Show comments