St. Clare winalis ang 1st round sa NAASCU

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng host St. Clare College-Caloocan ang dominasyon sa first round sa 12th NAASCU men’s basketball nang ka­lu­sin ang dating walang talong Centro Escolar University, 72-69, kahapon sa Makati Coliseum.

May 25 puntos si Jeff Vier­nes pero sina Eugene Torres, Jammer Jamito at Dennis Santos ay nagsanib sa 41 puntos para sa Saints na iniakyat ang malinis na karta sa 7-0.

Sina Axl Garcia at Mark Guillen ang bumalikat sa laban ng Scorpions sa 18 at 16 puntos na nakita ang anim na sunod na panalo na nagwakas na.

Limang manlalaro naman ng STI College ang kumamada ng mahigit na 10 puntos para katampukan ang 100-51 dominasyon sa City University of Pasay sa isang laro.

Si Lester Bocablo ay may 15 para pangunahan ang Olympians na pinatatag pa ang hawak sa ikatlong puwesto sa 5-2 baraha.

Ang Eagles na pinangu­nahan ni Aldrin Telpo sa kanyang 10 puntos, ay nalaglag sa 0-7 baraha.

Show comments