Rising sun sumikat na rin

Manila, Philippines -  Tinapos ng Cagayan Valley ang dalawang dikit na pagkatalo nang hiritan ng 25-19, 27-25, 25-16, straight sets win ang Ateneo sa Shakey’s V-League Open kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

May 12 kills tungo sa 15 hit si Honey Royse Tubino, ha­bang walong kills din ang ibi­nigay ni Sandra delos San­tos at ang Rising Suns ay umani ng 43 puntos sa kills para katampukan ang panalo sa larong tumagal la­mang ng isang oras at 15 minuto.

Iniangat ng bagitong Cagayan ang karta sa 2-2 upang makasalo ang Lady Eagles sa ikatlo at apat na puwesto sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s Piz­za bukod pa sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Si Fille Cainglet ay may 12 hits, tampok ang 11 kills, habang si Alyssa Valdez ay may 10 spikes pero kinulang sila ng suporta na tumapos sa dalawang sunod na panalo ng first conference champion.

Show comments