MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na panimula sa SM Valenzuela at SM Marikina noong Agosto 18 at 19, dadalhin ang 2012 SMART Philippine Taekwondo League sa SM Masinag ngayon tampok ang mga elite teams mula sa iba’t ibang institusion.
Kabilang sa mga koponan na lalahok ay ang FEU, San Sebastian College-Recoletos, CSB, DLSU, SBC, UST, UE, UP, Letran, Ateneo De Manila University, Lyceum, EAC, NU, Arellano, LSGH, Don Bosco-Makati, La Salle-Zobel, DPS SSA, LSQC at ESS.
Sinabi nina Tournament Commissioner Monsour Del Rosario at Tournament Director na ang event na idinadaos sa mga SM Supermalls ay patuloy na lumalaganap at tinatangkilik ng mga tao.
“This (tourmament) is definitely going to sharpen the skills of veteran and upcoming taekwondo athletes,” sabi nina Del Rosario at Fernandez.
Ang PTL ay itinataguyod ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc at PLDT.
Nakatakda ring gawin ang event sa Setyembre 23 sa SM Consolacion at sa Setyembre 30 sa SM Davao.
Gagamitin ang mga officating procedures kagaya ng PSS (Protective Scoring System), ESS (Electronic Scoring System) at electronic armors at socks kasama ang IVR (Instant Video Replay) para mabasura ang pagkakamali.