Viernes nagpasiklab sa panalo ng Saints kontra Phoenix

MANILA, Philippines - Kumawala si Jeff Vier­nes ng 39 puntos upang tulungan ang host school St. Clare sa 100-69 panalo sa Our Lady of Fatima University sa 12th NAASCU seniors basketball na nilaro sa Trace College sa Los Ba­ños, Laguna.

Ang 39 puntos ang pina­kamataas na naiskor ng isang manlalaro sa season na ito upang lagyan ng kinang ang ikaanim na sunod na panalo ng Saints sa walong koponang liga.

May 16 puntos si Dennis Santos habang 14 ang ibinigay ni Marte Gil para sa St. Clare na ginamit ang 29-9 panimula tungo sa dominanteng panalo.

Ito ang ikatlong pagka­talo matapos ang anim na laro ng Phoenix na pi­na­­ngu­nahan ni Benjie Ji­menez sa kanyang 13 puntos.

Nanatiling nakadikit naman ang Centro Escolar University nang kunin ang ikalimang dikit na panalo laban sa wala sa pormang STI College.

Iniwan ng Scorpions ang Olympians sa second period, 33-20, upang ipalasap sa katunggali ang ikalawang kabiguan matapos ang limang laro.

Si Axl Garcia ay mayroong 17 puntos para sa na­nalong koponan habang may 14 puntos si Cedric Ablaza para sa natalong koponan.

Show comments