Smart MVP Best of the Best taekwondo tourney sisipa sa Linggo

MANILA, Philippines - Idaraos sa Linggo ang 2012 Smart MVP Best of the Best Taekwondo Cham­pionships sa San Mi­guel By The Bay, Music Hall, SM Mall of Asia.

Ang mga batikang black­belters mula sa 12 re­hiyon kasama ang CAR, Region 2, Region 3, Region 6A, Region 10B at NCR, ang magbabalikatan mula sa alas-9 ng umaga.

Si Jesus Morales III ang siyang tatayong tournament director at ang mga mangunguna sa kalahok ay ang mga gold medalists sa malalaking Luzon, Visa­yas at Mindanao championships, UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics at mga palaro ng Philppine Taek­wondo Association Metro Manila at regional events.

Ang Smart Communication Inc., MVP Sports Foundation at PLDT ang siyang tatayong sponsors ng torneo na ang layunin ay ang tumuklas ng panlaban para sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Walang kinatawan ang taekwondo sa London Ga­mes.

Laro sa senior, junior, grade school divisions sa kalalakihan at kababaihan ang paglalabanan at para maging patas sa lahat, ang Protective Scoring System (PSS), Electronic Scoring System (ESS) at Instant Video Replay (IVR) ay gagamitin para maging malinaw ang mga iskoring sa lahat ng laban.

Show comments