Softball, basketball at volley sa SCOOP

MANILA, Philippines - Ang mga usapin sa softball, basketball at volleyball ang mga temang tatalakayin ngayong araw sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.

Inimbitahan sa talakayan na sinusuportahan ng Po­werade, AKTV at FILA, ang Team Manila na nagkampeon ng World Series Big League girls softball kasama si coach Ana Santiago.   

Inimbitahan din ng SCOOP ang mga opisyal at mi­yembro ng koponan na Global Port, ang pinakabagong team na lalahok sa dara­ting na 38th PBA season sa pa­­ngunguna nina team ma­­nager BJ Manalo at coach Glen Capacio.  

Ang iba pang panauhin sa session ay ang Caga­yan Valley na kalahok sa V-League Open volleyball championship sa pangu­nguna ni provincial sports coordinator Criselda Antonio at assistant na si Sherwin Bariuan. 

Sisimulan ang talaka­yan sa ganap na 11 ng umaga. 

Show comments