Radikal na hakbang kailangan na sa Phl sports para magtagumpay sa Olympics - Lopez

LONDON--Kailangan ng mga radikal na hakba­ngin upang magtagumpay ang Pilipinas sa mga susunod pang Olympics.

Ayon kay Chief of Mis­­sion Manny Lopez, na­­ka­kalungkot na ang Pi­lipinas na may 97 milyong populas­yon ay hindi makahanap ng mga mahuhusay na atleta na maa­aring manalo ng ginto sa Olympics.

Tinuran niya ang Jamaica na isang maliit na bansa sa Pacific at wala pang 3 milyon ang populasyon ay nananalo na ng ginto sa pangunguna ng track star sprinter na si Usian Bolt.

Sa London Games, ang Jamaica ay nag-uwi ng apat na ginto, apat na pilak at apat pang bronze medals.

“It is very saddening. We are a nation of 97 million and we are represen­ted by only 11 athletes,” wika ni Lopez.

Sa South East Asia, ang lumabas bilang pinakamahusay na bansa ay ang Thailand na may dalawang pilak at isang bronze medal para tumapos sa ika-57th puwesto.

Ang Indonesia at Malaysia ay nagsalo sa anim na bansa na nalagay sa ika-61 hanggang 66th puwesto bitbit ang tig-isang pilak at bronze medals.

May pag-asa pa ayon kay Lopez para makaba­ngon ang Pilipinas ngunit kailangan ito ng tunay na programa ang pagsasakripisyo ng lahat, kasama ang mga nakaupong sports leaders.

“We can’t separate politics from sports but politics should be one that is tolerable, that is good and democratic and has the will to fight the mafia of sports,” paliwanag nito.

Dapat ding kumilos ang mga National Sports Associations (NSAs) hindi lamang sa pagpapalakas ng kanilang programa kundi ang paghahanap ng pondong kanilang ipantutus­tos dito.

Dapat ding isama sa pinalalakas na sports ang mga larong suportado ng paaralan o DepEd.

Kung hindi kikilos ang lahat ng nasa mundo ng palakasan, dapat na rin nilang asahan ang patuloy na pagbagsak ng bansa sa malakihang torneo.

Show comments