Thailand umaasa ng gold sa boxing

LONDON – Tiyak nang magiging pinakamahusay na Southeast Asian finisher sa 30th Olympics, umaasa ang Thailand na makakamit ang kanilang una at hu¬ling gold medal.

Ito ay sa pamamagitan ng paglaban ni Kaeo Pongprayon sa light  f lyweight division kung saan napatalsik si Filipino bet Mark Barriga sa second round.

Nakatakdang labanan ni Pongprayon ang nagdedepensang World at Olympic champion na si Shimming Zhou ng China para sa gold medal sa Excel-South Arena 2 sa loob ng Olympic Park.

Sigurado nang makakakuha ng bronze medal ang mga natalo sa semifinalis na sina David Ayrapetyan, nabigo kay Pongprayon, at Paddy Barnes ng Ireland yumukod  kay Zhou.

Si Zhou naman ay isa sa apat na boxers na awtomatikong naglaro sa round of 16 kung saan niya tinalo si Cuban Veitia Soto Yosbany (14-11). Nagtala siya ng 13-10 panalo sa quarterfnals kontra kay Kazakh Birshan Zhjakypov.

Show comments