Bullpups malinis pa rin

MANILA, Philippines - Kinuha ng nagdedepen­sang juniors champion National University ang ikalimang sunod na panalo sa junior basketball sa 75th UAAP season sa pamamagitan ng 78-59 panalo laban sa UE kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakuha ng Bullpups ang kanilang laro sa ikala­wang yugto upang unti-unting iwanan ang Pages na nakadikit pa sa 13-15 matapos ang first period.

Si Regginal Morido ay may 19 puntos sa 8-of-10 shooting, bukod pasa 11 rebounds at 2 assists habang si Raphael Atangan ay nagsumite ng 14 puntos.

Si Robert Viajar sa kan­yang 19 puntos, 6 rebounds at 3 steals ang namuno sa Pages na nalaglag sa ikalimang sunod na pagkatalo.

Nangibabaw naman ang La Salle sa Adamson, 78-69, at UST sa Ateneo, 83-77, sa isa pang laro.

Tumabla ang UST sa La Salle sa 3-2 karta ha­­bang ang Ateneo ay bumagsak sa 2-3 at ang Adamson ay nalaglag sa 1-4.

Samantala, magsisi­mula ngayon ang badminton competition sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ang nagdedepensang kampeon sa kalalakihan na Ateneo ay makikipagsukatan sa La Salle sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang kampeon sa kaba­baihan na UE ay masusukat sa La Salle sa ala-1 ng hapon.

Ang iba pang laro sa ka­lalakihan ay NU-FEU, UST-UE at Adamson-UP habang ang iba pang laro sa kababaihan ay Ateneo vs FEU; UP kontra Adamson at UST laban sa NU.

Show comments