MANILA, Philippines - Ito ang unang pagkakataon na sumali si Ramon Igana. Jr. sa Cobra Ironman 70.3 Philippines.
Ngunit sa kasamaang palad ay ito ang naging huli.
Namatay kahapon si Igana, isang load controller sa Cebu Pacific na nakadestino sa Mactan Cebu International Airport, sa bike stage ng triathlon event sa South Road Properties.
Wala pang opisyal na pahayag kung ano ang ikinamatay ni Igana, ang designated biker ng Team Tights Bugdo-Extreme ng Cebu.
Nang matapos ni Benjamin Balaoro, Jr. ang 1.9-kilometer swim, walang napansin na kakaiba kay Igana sa kanyang pagsuong sa 90.1-km bike na dadaan sa Lapu-lapu, Cebu, Mandaue at Talisay.
Ayon sa mga saksi, sumemplang si Igana at tumama ang ulo sa concrete gutter sa SRP sa may Talisay.
Isinugod si Igana sa Chong Hua Hospital sa Cebu City kung saan siya idineklarang ‘dead on arrival’.
Bago tumumba ay nakita ng mga marshalls at rescuers si Igana na gumegewang ang pagbibisikleta.