MANILA, Philippines - Itinakda ang 2nd Gov. Jun Ebdane 4x4 Offroad Challenge sa all-weather sand-and-mud course sa Barangay Sindo sa San Narciso, Zambales sa Agosto 18 at 19.
Sinabi ni Gov. Hermogenes Ebdane na naging masaya ang probinsya ng Zambales sa resulta ng unang offroad challenge noong nakaraang taon.
“There will be new challenges for this event, not only for the professional truck racers, but for the amateurs as well, and for bikers, too,” ani Ebdane. “And more racers have already registered for this year’s event, in addition to those who came to compete last year.”
Labing isang organisasyon ang nagpalista na bago ang karera sa Agosto 18, ayon kay Eric Matibag ng Zambales Sports and Youth Development Office (ZSYDO).
Kabuuang 33 drivers ang tumanggap sa hamon, kasama ang mga 2011 winners mula sa Angeles 4-Wheel Drive Club, Inc.