Pinoy athletes maaaring maging world-class shooters --- Romero

MANILA, Philippines - Puwedeng maging world-class ang mga Filipino shoo­ters.

Ito ang sinabi ni Philippine National Shooting Associa­tion (PNSA) Mikee Romero matapos saksihan ang kampanya ng skeet shooter ng bansa sa 30th London Olympics na si Brian Rosario.

Hindi pinalad si Rosario na mapalaban sa medalya sa skeet event nang tumapos siya sa ika-30 puwesto sa kabuuang 36 na naglaban.

Pero hindi ito nangangahulugan na masama na ang ipinakita niya dahil naitala ni Rosario ang sarili bilang ka­u­na-unahang Filipino na nakaiskor ng perpektong 25 puntos.

Nangyari ito sa third round sa limang round matapos ang masamang 19 puntos sa second round.

“It’s already a great achievement on the part of Brian to score a perfect 25 and that also showed that our athletes can be at par with the best,” wika ni Romero.

Kasabay nito ay tiniyak ni Romero na sisikaping sak­yan ng kanyang administrasyon ang bagay na ito sa pagpapalawig at pagpapalakas pa sa kanilang mga prog­ramsa sa PNSA.

“But we can’t do it alone. I hope we can have the sup­port of other sectors especially the government. To be a world class shooter, one has to compete regularly in tough tournament abroad,” wika pa ni Romero.

Show comments