MANILA, Philippines - Kinuha ng host school St. Clare College-Caloocan ang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang New Era University 66-54, sa pagpapatuloy ng 12th NAASCU men’s basketball sa STI College gym sa Global City.
Si Jeff Viernes ang muling nanalasa para sa Saints sa kanyang 16 puntos para manatiling nasa liderato ang koponan.
Ang panalo ay nangyari kasunod ng 70-68 tagumpay sa STI sa unang laro para tapusin ang pitong taong dominasyon ng kalaban.
May 31 puntos si Viernes sa nasabing laro para magkaroon na ng 24 puntos average matapos ang dalawang sagupaan.
Si Leo Angelo Roncal ang nanguna sa Hunters sa kanyang 14 puntos.
Sinandalan naman ng Olympians ang 29 puntos ni Cedric Ablaza para kunin ng host school ang 93-64 panalo laban sa Trace College Laguna.
Ang iba pang beterano na sina McLean Sabellina at Lester Bocalbo ay may tig-12 upang makuha ng STI ang ikalawang dikit na panalo matapos ang tatlong laro.
Si Alexis Hilario ay may 11 puntos para sa Stallions.
Umani ang AMA College ng 90-80 panalo sa City University of Pasay habang ang Centro Escolar University ay nanalo sa Our Lady of Fatima University, 75-61, sa isa pang resulta ng laro.
St. Clare 66--Viernes 16, Torres, 15, Lunor 12, Gil 7, Diswe 6, Merado 6, Santos 4, Jamito 2, Torres 2, Baylen 0.
New Era 55--Roncal 14, Hereradura 10, Bebit 9, Sarmiento 6, Cabacungan 4, Reynoso 4, Faner 3, Talastas 2, Sevilla 2, Santos 0.
Quarterscores: 21-9; 32-22; 48-41; 66-54.