LONDON--Nakatakdang bumalik sa Maynila ang dalawang archers, dalawang swimmers, isang weightlifter at isang shooter.
Halos kalahati ng Team Philippines ay nakita sa aksyon sa loob lamang ng 30 minuto sa kani-kanilang events bago yumukod isa-isa sa first round sa 30th Olympic Games noong Huwebes.
Ang natitirang pag-asa na lamang ng bansa ay sina boxer Mark Anthony Barriga, long jumper Marestella Torres, 5,000m runner Rene Herrera, judoka Hoshina Tomohiko at BMX rider Miguel Caluag.
Sinamahan ni archer Mark Javier si Rachel Ann Cabral matapos matalo kay World No. 1 Ellison Brady ng US, 111-99, sa men’s archery competition.
Natapos ang nasabing five-set match sa fourth set nang kunin ni Brady ang tatlong set sa kanilang best-of-five series para umabante sa second round sa knockout phase.
Ito rin ang nangyari kay Javier nang matalo sa first round sa 2008 Olympics.
Nagwakas rin ang kampanya ni Brady nang matalo siya kay 23rd ranked Worth Taylor ng Australia, 7-1.