Spain giba sa U.S. team

  BARCELONA, Spain --Humugot si Carmelo Anthony ng 23 sa kanyang 27 points sa first half at tinalo ng U.S. ang Spain, 100-78, sa isang rematch ng gold-medal game at posibleng mangyari sa 2012 London Olympic Games.

Nagdagdag si LeBron James ng 25 points, habang may 13 si Kevin Durant na ang 10 ay kanyang iniskor sa unang tatlong minuto sa third quarter na naglayo sa U.S. para sa pagtatapos ng kanilang exhibition game patungo sa London.

“We knew that this was a big game,” ani U.S. guard Chris Paul. “When Coach K talked to us, he told us this was probably the biggest game here in Barcelona since the ‘92 team was here, so we approached it like that and it was a good win for us.”

Sa gold-medal game sa 2008 Beijing Games, pinayukod ng Americans ang Spaniards, 118-107, kung saan sila lumamang ng apat na puntos sa huling 2 1/2 minuto ng laro.

Naging madali naman ang tagumpay ng U.S. sa Spain sa kanilang tune-up game.  

“It was a good test for us tonight, but the exhibition games are over, the friendliest are over and we look forward to the real challenge of going to London,” ani James.

Tumipa si Pau Gasol ng 19 points para sa Spain at may 16 naman si Oklahoma City forward Serge Ibaka, tubong Republic of Congo na naging isang Spanish national noong 2011. 

Show comments