Caluag lalaban nang sabayan sa London Games

LONDON--“Yes I am aware of it. It’s a big challenge for me,’’ sabi ni Danny Caluag, isa 11 Filipino athletes na sasabak sa 2012 London Ga­mes dito.

Dumating si Caluag dito noong Martes matapos ang isang 12-hour trip mula sa Los Angeles at handa nang sumakay sa kanyang $3,000 Speedco bike.

Sa isang tanghalian sa AthletesVillage, sinabi ng 25-anyos na si Caluag na pinaghandaan niya ang una niyang Oympics sa pamamagitan ng pagsasa­nay sa Netherlands, Kentucky, USA at Canada.

Nakasabayan niya sa Canada si defending champion Maris Strombergs ng Latvia na minsan na niyang tinalo sa isang kompetisyon.

“I have beaten him on some tournaments and training session. He’s a fast guy,” ani Caluag kay Strombergs, kumuha sa gold medal ng event na ipinakilala sa 2008 Beijing Games.

“He’ll still be the favo­rite, I guess. But anything can happen,’’ dagdag ni Caluag.

 Samantala, aminado naman si Rene Herrera na mahihirapan siyang manalo sa 5,000-meter run.

“Mabigat talaga, mabigat,’’ ani Rene Herrera.

Nagsasabi lamang ng totoo si Herrera dahil sa inaasahang pagbandera ng mga African long distance runners.

Ngunit maipagmama­laki naman niya na siya la­mang ang runner sa Southeast Asia na kasama sa 50 lahok sa Olympics.

“Sa Southeast Asia, ako lang ang nakasali," wika ni Herrera, limang beses na kumuha ng gintong medalya sa kanyang event sa Southeast Asian Games.

Show comments