Wesley So nagkampeon sa Toronto

Manila, Philippines -  Nakamit ni Filipino Grand Master Wes­ley So ang titulo ng Crown Section sa 2012 Toronto International Chess Cham­pionship.

Pormal na nasikwat ng 17-anyos na pam­bato ng Bacoor, Cavite ang ko­ro­na matapos magtala ng kabuuang 6.0 points mula sa kanyang 5 wins at 2 draws.

Tinalo ni So si IM Nikolay Noritsyn (5.5 points) ng Canada para sa prem­yong $4,000.

Kabuuang 18 rated players na tinampukan ng tatlong GMs, limang IMs at dalawang FMs buhat sa Pilipinas, Canada, Lithuania at Is­rael ang lumahok sa torneo.

Magpapatuloy ang kampanya ni So sa pag­lahok sa Quebec Open Chess Cham­pion­ship 2012 sa Montreal, Canada.

Si So ang kakatawan sa bansa sa 2012 World Chess Olympiad sa Agosto 27 hanggang Setyembre 10 sa Istanbul, Turkey.

Show comments