Vertek, Gilbuena wagi sa Cotabato leg

TARLAC CITY, Philippines - Magaang na nakamit ni three-time National MILO Marathon King at kasalukuyang record holder Eduardo Buenavista ang 3rd Leg ng 36th MILO Marathon dito.

Dinomina ng tubong Sto. Niño, South Cotabato ang labanan sa men’s 21-k category sa kanyang oras na 1:13:29 para ibulsa ang P10,000 elimination leg top purse.

Ang two-time Olympian ay halos 600 metro ang ka­lamangan kina Nelson Rombosa (1:24:58) at Gavino Lopez (1:26:46).

Nagreyna naman si veteran Miscelle Gilbuena sa women’s category sa kanyang bilis na 1:37:29 kasunod sina Berna Pulmano (1:39:49) at Fredalyn Ramos (1:57:58).

 Sina Buenavista at Gilbuena kasama ang iba pang mga qualifiers ang makikita sa 36th National MILO Marathon Finals sa Disyembre 9 sa SM Mall of Asia (MOA) ground sa Pasay City.

Show comments