Chiefs sinilat ang Pirates sa NCAA

MANILA, Philippines - Isa na namang impresibong laro ang ipinakita ni Fil-Canadian James Forrester para sa Chiefs.

Humakot si Forrester ng 19 points, 6 rebounds at 2 assists para tulungan ang Arellano University sa 83-52 paggupo sa Lyceum of the Philippines University sa 88th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Chiefs para sa kanilang 2-3 record kumpara sa 2-4 baraha ng Pirates.

Nauna nang nagtala ang 22-anyos ng dating St. Therese of Lisiuseux standout ng 18 points sa 77-67 paggitla ng Arellano ni Koy Banal kontra sa Letran College noong nakaraang linggo.

Bukod kay Forrester, nag-ambag rin sina Vergel Zulueta at Levi Hernandez ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Chiefs.

Umiskor naman si Chris Cayabyab ng 12 mar­kers para pangunahan ang Pirates kasunod ang 10 ni Floricel Guevarra.

Arellano 83 – Forrester 19, Zulueta 12, Hernandez 10, Caperal 9, Cadavis 8, Pinto 8, Salcedo 7, Acidre 5, Bangga 2, Palma 2, Espiras 1, Lunas 0

Lyceum 52 – Cayabyab 12, Guevarra 10, Zamora 8, Ko 4, Azores 4, Francisco 4, Laude 3, Garcia 3, Martinez 2, Pascual 2, Edding 0, Mallari 0, Ambohot 0

Quarterscores: 20-16, 43-31, 66-41 , 83-52.

Show comments