LAS VEGAS --- Nagkaroon si Los Angeles Clippers forward Blake Griffin ng isang left knee injury sa isang US Olympic practice scrimmage at ibinalik sa Los Angeles, ayon sa USA Basketball .
Si Griffin ang pinakabagong miyembro ng U.S. Olympic team na nagkaroon ng injury matapos sina Orlando center Dwight Howard, Miami stars Chris Bosh at Dwyane Wade at 2011 NBA Most Valuable Player Derrick Rose ng Chicago Bulls.
Pinabalik naman si Anthony Davis, ang college star na hinirang ng New Orleans bilang No. 1 overall pick sa NBA Draft, sa US Olympic training camp matapos ikunsidera bilang US team alternate.
Nasaktan ang kaliwang tuhod ni Griffin noong Miyerkules sa practice session sa Las Vegas.
Tinalo ng Americans ang Dominican Republic, 113-59, sa kanilang pre-Olympic tune-up game bilang paghahanda sa 2012 London Olympics.
Si Griffin ay inaasahang sasailalim sa isang MRI exam para madetermina ang bigat ng kanyang knee injury.
Nagtala si Griffin ng mga averages na 20.7 points at 10.9 rebounds a game para sa Clippers sa nakaraang NBA season.
Pumirma si Griffin ng isang five-year contract extension sa Clippers na nagkakahalaga ng $95 milyon.