Meralco ginulat ang B-Meg

MANILA, Philippines - Matapos malampaso ng sister team na Tropang Tex­ters noong Miyerkules, ibi­na­ling naman ng Bolts ang ka­nilang galit sa Llamados.

Mula sa mainit na first period, tinakasan ng Me­ralco ang B-Meg, 104-101, sa carryover semifinal round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Ara­neta Colisuem.

Bagamat nagwagi, wala nang tsansa ang Bolts sa 4-of-5 incentive kung saan ang koponang mananalo ng apat sa kanilang limang laro ay mabibigyan ng outright se­mifinals playoff.  

Kasalukuyang tangan ng Rain or Shine ang 9-3 record kasunod ang Barangay Gi­nebra (8-4), B-Meg (8-4), Talk ‘N Text (6-5) at mga si­bak nang Petron (6-6) at Me­ralco (5-8).

Nanggaling ang Bolts sa 84-108 pagyukod sa Tropang Texters noong na­karaang Miyerkules.

Kinuha ng Meralco ang first quarter, 31-17, bago ito palakihin sa halftime, 54-43, patungo sa pagtatayo ng isang 15-point lead, 62-47, kontra sa B-Meg sa 5:17 ng third period.

Ikinasa ng Bolts ang isang 17-point advantage, 80-63, sa 10:51 ng final can­to mula sa basket ni Jay-R Re­yes.

Sa likod nina import Mar­cus Blakely, two-time PBA Most Valuable Pla­yer James Yap, Yancy De Ocampo at Josh Urbiztondo, nailapit ng Llamados ang laro sa 96-98 sa huling 13 segundo.

Huling nakadikit ang B-Meg sa 101-102 agwat sa natitirang limang segundo kasunod ang freethrows ni Asi Taulava para selyuhan ang panalo ng Meralco.

“Character is tested when nothing is on the line,” sa­bi ni coach Ryan Gregorio. “This team plays hard. This team plays to win. This team can go against the big dogs in the lead.”

Show comments