LONDON --- Sa pagdating nila sa kani-kanilang training camps, unti-unti nang nararamdaman ng mga Filipino athletes ang ‘pressure’ sa paglalaro sa 30th Olympic Games na magsisimula sa Hulyo 27.
“We started swimming at Surrey Sports Park, everyday, twice a day,” sabi ni national swimmer Jasmine Alkhaldi kasama si Jessie Khing Lacuna. “We see other Olympians swim in the same pool, so it’s very inspiring.”
Pinagbigyan rin ng mga Olympians ang kahilingan ng kanilang mga kababayan para sa isang ‘meet-and-greet’ session.
“Nu’ng nandoon kami sa Surrey, 'yung mga Pilipino grabe ang suporta nila,” wika ni lady weightlifter Hidilyn Diaz.
Nangako ang mga Filipino bets na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-uwi ng medalya mula sa London Olympics.
“We will do the best we can, with all our might,” sabi ni Alkhaldi.
“Ito ang unang Olympics ko. Kailangan bigay todo para makaabot ng Finals,” wika naman ni steeple chaser Rene Herrera.
Huling nagkaroon ng medalya ang bansa sa Olympics noong 2006 mula sa silver medal ni Mansueto ‘Onyok’ Velacso, Jr.
Magsasanay naman si boxer Mark Anthony Barriga sa Cardiff, Wales.
Ang huling grupo ng mga Olympians na kukumpleto sa isang 11-man Philippine squad ay darating sa Hulyo 20.