Mendoza bumandera sa Ph chessers sa Sri Lanka chessfest

MANILA, Philippines - Binanderahan ni Shania Mae Mendo­za ang kampanya ng Pilipinas sa pagsikwat ng ginto, pilak at tansong medalya sa 2012 Asian Youth Chess Championships nitong weekend sa Sri Lanka.

Umibabaw si Mendoza sa girsl’ under-14, habang nakopo naman ni Stephen Rome Pangilinan ang runner-up sa boys’ under-10 at pumangatlo si Justin Mordido sa boys’ under-8 division at ang tatlong woodpushers ay nag-uwi ng karangalan sa bansa.

Makaraan ang limang sunod na panalo, nakipaghatian ng puntos si Mendoza kay Shiny Das ng India sa sixth round at Tan Li Ting ng Malaysia sa se­venth upang tumapos ng may 6 puntos na siyang tumalo sa kanyang mga kalaban sa U-14 division para sa gold.

Samantala, sumalo naman si Pangi­li­nan sa four-way tie para sa unang puwesto sa boys’ U-10 taglay ang 5.5 puntos.

Show comments