36th Milo Marathon mas pinaigting ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang lalahok ang humigit-kumulang sa 200,000 partisipante sa 18 races sa 17 siyudad sa buong bansa sa 36th MILO National Marathon na magsisimula sa Hulyo 1 sa Baguio City.

Sa nakaraang National Finals, pinamahalaan nina Mary Grace Delos Santos at Kenyan bet James Tallam ang women’s at men’s 42-kilometer run mula sa kanilang mga oras na 2:53:07 at 2:28:02, ayon sa pagkakasunod.

Muling maglalatag ang MILO ng top prize na P300,000 para sa tatanghaling MILO Marathon King at Queen.

Sa SM Mall of Asia ang muling pagdarausan ng Manila eliminations na nakatakda sa Hulyo 29 pati ang National Finals sa Disyembre 9.

Maliban sa karangalan, makikibahagi ang mga runners ng P10 mula sa kanilang registration fee para sa programa ng MILO na ‘Help gives shoes’.

“Through the MILO Ma­rathon, we are able to pro­vide shoes to underpri­vi­leged children to help them become champions in sports and life,” sabi ni MILO Sports Executive Andrew Neri.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ang MILO ng running shoes sa 14,200 kabataan sa buong bansa.

Show comments