MANILA, Philippines - Matapos madiskaril ang kanyang pagpasok sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2009, muling magtatangka si sports patron Mikee Romero ng Harbour Centre na makakuha ng prangkisa.
Ngunit hindi pa handa si Romero para pormal itong ihayag.
“I will tell everyone if all is already ironed out but I’m definitely always interested at having a PBA team. Medyo hindi pa lang naaayos nang mabuti,” wika ni Romero, nagkaroon ng pagkakataong maging isang ‘team owner’ sa PBA para sa Burger King Titans.
Isa sa mga PBA teams na sinasabing bibilhin ni Romero ang prangkisa ng Powerade, dati nang napabalitang ibinebenta sa San Miguel Corporation.
“We’ll tell the commissioner about our plan, perhaps next week,” sabi ni Romero sa kanyang muling paglapit kay PBA Commissioner Chito Salud. “It’s always a dream for me to be in the PBA, its always an exciting prospect.”
Si Romero ang nasa likod ng Harbour Centre sa pitong sunod na kampeonato sa nagibang Philippine Basketball League (PBL) at gumastos sa kampanya ng National men’s basketball team na naghari sa Southeast Asian Games noong 2007 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Bukod kay Tonyboy Cojuangco, team owner rin ng Philippine Patriots si Romero sa Asean Basketball League (ABL).