Sneed may pinatunayan, Tigers inihatid sa panalo

MANILA, Philippines - Dalawang taon na ang nakararaan nang pauwiin ng Tropang Texters si import Omar Sneed matapos ang dalawang linggong pakikipag-ensayo dahil sa hindi siya nagustuhan ni coach Chot Reyes.

Naglalaro ngayon para sa Tigers, ipinakita ng 35-anyos na si Sneed ang kanyang tunay na ka­kayahan.

Humakot ang 6-foot-5 na si Sneed ng 32 points, 23 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa 110-105 panalo ng Powerade laban sa Talk ‘N Text para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

 “I thought I would be able to do what they need,” sabi ni Sneed, naging coach si dating Smart Gilas mentor Rajko Toroman sa European League.

Bago ito, kumabig si Sneed ng 13 points, 9 rebounds at 10 assists sa 114-97 paggiba ng Tigers sa Alaska Aces.

Nakisalo ang Po­werade sa nagdedepensang Petron Blaze, B-Meg at Barangay Ginebra mula sa magkakatulad nilang 2-1 rekord sa ilalim ng 3-0 baraha ng Rain or Shine kasunod ang Barako Bull (1-1), Alaska (1-2), Air21 (1-2), Talk ‘N Text (1-3) at Meralco (1-3).

 Nakalapit ang Talk ‘N Text sa 100-104 agwat sa huling 1:13 ng final canto bago ang pagtutuwang nina David, Sneed at Sean Anthony para ilayo ang Powerade sa 110-100 sa 24.3 segundo.

Powerade 110 - Sneed 32, David 28, Guevarra 11, Al-Hussaini 10, Casio 8, Lingganay 7, Salvador 6, Anthony 4, Vanlandingham 2, Antonio 2, Tugade 0.

Talk ‘N Text 105 - Harris 22, Alapag 17, Peek 16, De Ocampo 15, Williams 13, Fonacier 11, Gamalinda 5, Aguilar 2, Dillinger 2, Aban 2, Raymundo 0, Alvarez 0.

Quarterscores: 20-25; 44-51; 78-68; 110-105.

Show comments