OKLAHOMA CITY--Umiskor si Kevin Durant ng 22 points, habang nagtala si Thabo Sefolosha ng playoff career-bests na 19 points at 6 steals para wakasan ng Oklahoma City Thunder ang 20-game winning streak ng San Antonio Spurs sa pamamagitan ng kanilang 102-82 panalo sa Game 3 ng Western Conference finals.
Lumapit ang Oklahoma City sa 1-2 sa kanilang serye ng San Antonio at naghahangad na makatabla sa Game 4 sa Sabado.
“I’t was good for us to get a win in front of the home crowd,” wika ni Thunder standout Sefolosha. “We know coming back home it would be a different ball game. It’s going to be a long series. This is only one game.”
Pinangunahan nina Tony Parker at Stephen Jackson ang Spurs mula sa kanilang tig- 16 points, samantalang may 11 points si Tim Duncan mula sa kanyang 5-for-15 fieldgoal shooting.
Nagtatala ang San Antonio ng average na 109.4 points sa kanilang itinayong 20-game winning streak bago ito tapusin ng Oklahoma City.
Hindi naglaro sina Parker at Duncan sa huling 15 minuto matapos iupo ni coach Gregg Popovich matapos ang kanilang 23-point deficit sa kaagahan ng fourth quarter.
Ang reverse layup ni Sefolosha ang nagbigay sa Spurs sa malaking 86-63 kalamangan laban sa Spurs sa 9:48 ng fourth period.
Umiskor lamang ang San Antonio ng 24 points sa shaded lane matapos maglista ng average na 46 points sa Game 1 at Game 2 ng kanilang serye ng Oklahoma City.
Mula sa kanilang 28-8 lamang sa shaded lane ay itinala ng Thunder ang 54-41 halftime lead at hindi na nilingon pa ang Spurs sa second half.
Ang mananalo sa pagitan ng Spurs at Thunder ang siyang haharap sa alinman sa Miami Heat at Boston Celtics kung saan angat ang Heat sa kanilang serye sa 2-0 sa Eastern Conference finals.