3rd win ipininta ng Elasto

MANILA, Philippines - Mula sa isang seven-point lead sa halftime, nagpasabog ang Rain or Shine ng 31 points sa third period patungo sa kanilang 106-92 paggiba sa Air21 sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagtayo ang Elasto Pain­ters ng malaking 20-point advantage sa nasabing yugto para kunin ang kanilang ikatlong sunod na panalo at ang liderato.

Nagsalpak si Jeff Chan ng limang three-point shots, tatlo dito ay sa first period, para sa 3-0 kartada ng Rain or Shine para sa liderato.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Boosters at ang Tropang Texters, habang isinusulat ito.

 Matapos kunin ang first half, 53-46, nagtuwang sina import Jamelle Cornley, Gabe Norwood, Ryan Arana at Jervy Cruz upang ibigay sa Elasto Painters ang isang 18-point lead, 71-53, kontra sa Express sa 6:15 ng third quarter.

 Ikinasa ng Rain or Shine ang pinakamalaki nilang bentahe sa 84-64 sa huling 1:20 ng nasabing yugto bago iposte ang 98-80 abante laban sa Air21 sa huling 5:07 ng final canto.

(Russell Cadayona)

Rain or Shine 106 - Cornely 21, Chan 16, Norwood 13, Buenafe 11, Lee 9, Cruz 9, Arana 8, Ibanes 8, Matias 4, Tang 3, Belga 2, Quinahan 2.

Air21 92 - Graham 37, Hubalde 10, Ritualo 9, Espiritu 8, Menor 8, Omolon 8, Sena 6, Bagatsing 2, Faundo 2, Isip 2, Salamat 0, Sison 0, Escobal 0.

Quarterscores: 23-22; 53-46; 84-68; 106-92.

Show comments