Manila, Philippines - Binuksan kahapon ang MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PbaRS) Circuit nang panggugulat nina Samantha Ramos at Marina Caculitan na ginawa sa Metro Sports Center sa Lahug, Cebu City.
Kabilang ng Golden Shuttle Foundation, si Ramos ay nanalo sa fifth seed na si Janelle de Vera ng Whackers-Lining, 21-14, 17-21, 21-13, para umabante sa second round sa girls U-19 singles event.
Si Caculitan ng Whackers-Lining ay sinibak ang fourth seed Shaina Osorio, 21-7, 21-9 sa isa pang U-19 match sa event na suportado ng GOAL Pilipinas at panimulang leg sa tatlong yugtong circuit.
Inorganisa ng Philippine Badminton Association sa pangunguna ni Vice President Jejomar Binay, ang mga pinaborang sina Jornellous Castro at Joma Castro ay nanalo kina Ryan Fernandez, 21-15, 21-9, at Marerick Perez, 21-12, 21-13, para umabante sa men’s Open Singles.
Sina Sherman Olalia, Sean Chan, Clint Armamento, Asis Calma, Gian Manuel at Vincent Tan ay nagsipanalo rin sa kanilang mga hinarap na laban.
Ang mga umabante naman sa boys U-19 ay sina John Diamante, John Lozada, Paul Gonzales, Christian Cuyno, Peter Tan, Ros Pedrosa, Rainiel Nguyen at Vincent Manuel.
May ayuda rin ng Gatorade, Krav Maga Philippines, Sincere Construction and Development Corp., Vineza Industrial Sales, Victor PCome Industrial Sales, TV5 at Badminton Extreme Magazines, ang mga umabante pa sa girls U-19 ay sina Joella De Vera, Sylvia Layson, P. Malibiran, Janes Dihiansan, Ma. Victoria Vizmonte, G. Gutierrez, Selina San Diego, Lovely Magallano at Dia Magno.