Phl Patriots magpapalakas papasok sa playoffs ng ABL

MANILA, Philippines - Bigyan ang sarili ng ma­gandang pabaon patu­ngo sa playoffs ang nais ga­win ng AirAsia Philippine Pa­triots sa pagsagupa sa na­patalsik na kampeon na Chang Thailand Slammers sa AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) nga­yon sa Thai-Japan Asso­ciaton Gym sa Bangkok, Thai­land.

May 15-5 baraha ang Patriots at selyado na ang No. 2 seeding at homecourt advantage sa semifinals na paglalabanan sa best-of-three series.

Hindi pa matiyak kung si­no sa Indonesia Warriors at Westports Malaysia Dra­gons ang makakatapat ng Patriots ngunit makakaasang hahataw pa rin ang ko­ponang pag-aari nina Mi­kee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco upang magkaroon ng momentum papasok sa play­offs.

“Mahalaga ang larong ito para sa amin dahil gusto na­ming pumasok sa semifi­nals galing sa panalo pa­ra ‘yung confidence level ng team mas mataas,” wika ni coach Glenn Capacio.

Nanalo ang Patriots sa hu­ling laro sa Jobstreet.com Singapore Slingers, 90-84, at si Anthony Johnson ang bumandera sa laban sa kanyang 26 puntos, 20 rito ay isa huling yugto.

Ang Slammers ay na­sa isang six-game losing streak para sa kanilang 5-15 baraha.

Huhugot si Capacio ng puntos kina Al Vergara at Aldrech Ramos upang may makatuwang sina Johnson, may iniiinda pa sa groin injury, at Nakeia Miller.

Show comments