Barriga, Baustista pasok sa semis

TASHKENT, Uzbekis­tan--Tuluyan nang nakapa­sok sa semifinal round sina Mark Antohny Barriga at Ian Clark Bautista ng PLDT-ABAP National Boxing Team sa Sydney Jackson Memorial Tournament dito sa Universal Uzbekistan Sports Complex.

Lalabanan ni Barri­ga, ang tanging Filipino qualifier sa 2012 London Olympics, si Shahobidin Zoirov, ang pangunahing boksingero ng Uzbekistan sa 49-kilogram division, sa semifinals.

Ang 17-anyos na si Barriga ang kumuha ng gold medal sa naturang torneo noong nakaraang taon sa light flyweight division.

Sasagupain naman ng 17-anyos na si Ian Clark Bautista si Shaxriyor Isakov ng UZB2 sa isa pang semifinals match.

Ito ang unang torneong nilahukan ni Bautista, bi­nigo ang 20-anyos na si Muhriddin Davronov, 13-10, sa quarterfinals noong Miyerkules.

Hindi naman pinalad si 2011 World Junior cham­pion Eumire Felix Mar­cia na makapasok sa se­mis matapos matalo sa 21-anyos na si Uzbek national champion Babur Aytbaev, kumatawan sa kanyang bansa sa 2011 World Championships.

Natalo ang 16-anyos na Zamboangueño na mapasok sa matinding depensa ng Uzbek patungo sa kanyang 1-6 pagyukod.

Show comments