Bagong sesyon ng BEST Center magbubukas na

MANILA, Philippines - Magbubukas na ang bagong sesyon ng BEST Center na suportado ng Milo sa Amoranto Sports Center.

Mula Lunes hanggang Huwebes ay magtuturo ang mga guro ng Best sa Amoranto mula alas-12:30 hanggang alas-4 ng hapon para sa Levels 1 at 2.

Bubuksan din ang ses­yon sa PATTS College of Aeronautics mula Lunes hanggang Huwebes na itinakda mula Mayo 7 hanggang 31 sa alas-8 hanggang 11 ng umaga para sa Levels 1 at 2.

Magdaraos din ang Milo BEST Center sa Oreta Sports Center mula Mayo 12 hanggang Hunyo 2 mula 8 hanggang 11:30 ng umaga para sa Introduction to Basketball Levels 1 at 2 (9-11 years old) at 1 hanggang 4:30 ng hapon (12 an­yos pataas).

Sa mga interesado, ma­aaring tumawag sa telepo­nong 411-6260, 372-3066 o telefax na 372-3065. Pu­wede rin mag-email sa best­centersports@gmail.com; facebook: best center sports inc.

Show comments