NLEX ididiretso sa 7 ang panalo

MANILA, Philippines - Matapos ibulsa ang pu­­westo sa semifinals, pi­­pilitin ngayon ng NLEX Road Warriors na lumapit sa ikalawang adhikain, ang walisin ang 10 laro sa elimination round.

Kaharap ng back-to-back defending champion Road Warriors ang ba­gitong Cagayan Rising Suns sa tampok na laro sa dakong alas-4 ng hapon at balak isubi ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang kanilang ikapitong sunod na panalo.

Bagamat angat na angat kung sa lakas ng manlalaro ang pag-uusapan, ayaw ni Fernandez na magkumpiyansa at itinuturo ang magandang ipinakita ng Suns sa huling dalawang asignatura.

Talunan man ang roo­kie team sa Boracay Rum at RnW Pacific Pipes, li­mang puntos lamang ang pinagsamang lamang ng nagwaging koponan para ipakitang palaban na ang tropa ni coach Alvin Pua.

“Wala pa rin sina Calvin (Abueva) at Ian (Sanga­lang) kaya dapat magtra­baho uli kami lalo na sa depensa sa simula pa lamang ng laro,” wika ni Fernandez.

Bago ito ay magtu­tuos muna ang Junior Po­werade at Café France sa ganap na ika-2 ng hapon at ang mananalo ay mananatiling palaban para sa puwesto sa quarterfinals.

Angat ang Tigers sa ngayon sa 2-4 karta at ka­salo ng Boracay Rum at Erase Plantcenta sa ika­anim hanggang ikawalong puwesto.

Ang mangungunang da­lawang koponan ay didiretso na sa semifinals ha­bang ang sunod na apat na teams ay maglalaro sa quarterfinals.

May 1-4 baraha ang Ba­kers na kinatampukan ng apat na sunod na pagkatalo.

Pero hindi inaalis ang kakayahan ng Bakers na manalo lalo pa’t on and off din ang larong nakikita sa Tigers.

Show comments