MANILA, Philippines - Nananalig si San Miguel Beermen coach Bobby Ray Parks Sr. na wala na ang anumang kumpiyansa sa kanyang bataan matapos ang muntik na pagkakadisgrasya sa huling laro laban sa Singapore Slingers.
“It was a wake up call for us. I hope we will come out aggressive in our next game,” wika ni Parks matapos ang 68-64 come-from-behind panalo para sa ikaapat na sunod na panalo.
Babalik sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ang Beermen upang harapin uli ang Bangkok Cobras sa alas-6 ng gabi.
Hindi pa nananalo ang Cobras sa naunang dalawang pagkikita ngunit hindi maaaring isantabi ang kakayahan ng expansion team mula Thailand na humirit ng panalo dahil sa 6-11 karta ay dapat nilang maipanalo ang mga nalalabing asignatura para magkaroon ng tsansang masama sa apat na koponan na aabante sa Playoffs.
Ang Beermen ay nangunguna ngayon sa 15-4 karta pero isang laro lamang ang agwat nila sa pumapangalawang AirAsia Philippine Patriots (14-4) kaya’t dapat nilang maipanalo ang nalalabing dalawang laro sa triple round elimination para matiyak ang number one spot at homecourt advantage sa playoffs.
Si Nick Fazekas na tumipak ng 23 puntos, 19 rebounds at 3 blocks sa huling laro ang aangkla uli sa Beermen pero makakatulong kung babalik ang husay ni Duke Crews.
Si Crews ay nalimitahan lamang sa 11 puntos mula sa 5 of 19 shooting