Batch 84 humataw agad ng 2 panalo

MANILA, Philippines - Nagpasikat ang Batch 84 ng Arellano High School sa larangan ng basketball at mixed volleyball sa pagbubukas ng Arellano High School Manila North 2012 Annual Sportsfest sa Rasac covered court sa Sta. Cruz, Manila noong Linggo.

Tumapos ng 23 puntos si Toto Salvador para igiya ang kanyang koponan sa 60-44 pananaig laban sa Batch 80 habang sina Norman Pangilinan, Allan Floro, Suzette Cambronero at Beth Valencia Granda ang ang mga nagtulung-tulong para sungkitin ang 25-17, 25-12, 25-13 straight sets panalo kontra sa Batch 80.

Ang naturang sportsfest ay inorganisa ng Batch 85 sa pangunguna ng pangulong si Emil Theresa Abril at nilalahukan din ito ng Batch 85, 86, 88 at 90.

“Taun-taon ay ginaga­wa ang sportsfest na ito upang magkasama-sama uli ang mga alumni ng Arellano High School at maipagpatuloy ang ma­gandang samahan na nagmula noong sila ay mag-aaral pa lamang ng nakiisa para matiyak na magiging matagumpay ang 2012 sportsfest,” wika ni Abril.

Show comments