Petecio sasabak sa qualifying

MANILA, Philippines - Tinalo ni Nesthy Petecio si Alice Kate Aparri, 24-12.5 sa ka­nilang box-off para hirangin bilang kinatawan ng bansa sa qualifying tournament para sa 2012 London Olympic Ga­mes.

Kinailangan pa ni Petecio na magbawas ng apat na ki­logramo sa loob ng limang araw para umabot sa catchweight na 53 kg.

Lalaban ang 20-an­yos na lady fighter sa 51-kilogram division – ang Olympic category – sa 2012 World Women’s Bo­xing Championship na nakatakda sa Mayo 9-20 sa Qinhuangdao, China.

Sa kabila naman ng ka­biguan kay Petecio, ma­kakasama pa rin si Aparri kagaya ni Josie Ga­buco sa China para sa non-Olympic weight ca­tegories.

"We wanted both of them to show everybo­dy – referee-judges, natio­nal coaches, ABAP officials and even the media – to pro­ve their worth for the right to don the national co­­lors in the Olympic qua­­lifier," ani ABAP exe­cu­­tive director Ed Picson.

“Maiyak-iyak na ako sa ngalay kanina,” sabi ni Petecio ng Tuban, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Show comments