Uzbek rider inangkin ang Stage 3

MANILA, Philippines - Bayombong, Nueva Viz­caya - Ipinamalas ni Aza­mat Turaev ng Suren Uz­bekistan ang angking la­kas para maging kauna-una­hang dayuhan na na­nalo sa 2012 Le Tour de Fi­lipinas na handog ng Air­21 katuwang ang Smart.

Matapos hiyain ng mga Filipino cyclists nang mag­kampeon sina Oscar Rendole ng Mail And More at Arnel Quirimit ng Go21 sa Sta­ge One at Two, nagpa­sikat ang mga dayuhan nang kunin ang unang anim na puwesto sa Sta­ge Three kahapon sa 102.52 kilometrong ka­re­ra mula Cauayan City, Isa­bela hanggang dito sa City Hall sa Bayombong, Nue­va Vizcaya.

Pinakamakinang ang 23-anyos na si Turaev ay hindi lumubay sa pag-atake upang makuha ang yugto sa bilis na dalawang oras, 23 minuto at 36 segundo.

Nakasama ang tubong Tashkent rider sa walong sik­­listang kumawala sa unang 20 kilometro bago ini­­labas ang husay sa akyatin nang pumangalawa kay Chun Kai Feng sa pag-abot sa tuktok ng Hilltop sa Barangay Nagsabaran sa bayan ng Diadi na kung sa­­an isinagawa ang unang ta­­gisan para sa King of the Moun­tain.

Pagbaba sa patag ay hu­mabol kina Turaev at Feng ang mga siklistang si­na Shinichi Fukushima ng Terangganu team ng Ma­laysia, Hamid Shirisisan ng Suren at Masakazu Ito ng Aisan team ng Japan at Da­niel Bonello ng Plan B ng Australia.

Binaybay nila ang pasi­mulang 15 kilometro sa hu­ling 20k patungo sa fi­nish line na magkakasama ba­go kumawala sa huling li­mang kilometro si Turaev pa­tungo sa panalo.

“He is a climber,” wika ni Suren team manager na si Mostafa Chaichi. “Today was a good race because Tu­raev is number one and Shi­risisan is at number four. Tomorrow, it will be our race.”

Ang karerang may su­por­ta rin ng Jinbei at Foton ay magtatapos ngayon sa ta­gisan hanggang Burnham Park sa Baguio City at dadaan sa dalawang ma­hahabang ahunan sa Cor­dilleras na kilala bilang No­rthern Alps.

Si Feng ay kinapos ng 15 segundo kay Turaev (2:23:51), habang si Fuku­shima ang nalagay sa ikatlo at napag-iwanan ng 17 segundo katulad nina Shrisisan Ito at Bonello (2:23:53).

Sina Jan Paul Morales ng Kia at Rudy Roque ng American Vinyl/LPGMA ay tumapos sa ikapito at wa­long puwesto.

Kasama sa malaking pulutong sina yellow jersey hol­der Timo Scholz ng CCN team ng Netherlands, Ale­xander Malone ng Plan B Australia, Loh Sea Keong ng OCBC Singapore at Rendole na mga nangu­nguna sa overall individual standing.

Show comments