CHICAGO--Hindi na naman nakumpleto ang starting five ng Chicago Bulls matapos hindi maglaro si Derrick Rose.
Ngunit sinagip nina Richard Hamilton at Luol Deng ang Bulls matapos umiskor ng 20 at 19 points, ayon sa pagkakasunod, para sa kanilang 98-86 tagumpay kontra sa New York Knicks.
Humugot si Hamilton ng 18 points sa third quarter para tulungan ang Chicago na manatili sa unahan mula sa itinalang 12-point halftime lead.
Nagdagdag naman si Kyle Korver ng 14 points at 3 blocks para sa Bulls na nalampasan ang iniskor na 29 markers ni Carmelo Anthony para sa Knicks.
Ang bagong injury ni Rose ay isang sprained right ankle na kanyang nalasap sa kanilang overtime loss sa New York noong Linggo.
Nagkaroon ng injury ang reigning NBA MVP sa first half matapos ang kanyang 12-game absence bunga ng isang groin problem.
Ito ang 23 laro na iniupo ni Rose ngayong season dahil sa iba’t ibang klase ng injury kabilang ang turf toe injury at back spasms.