Phl Army, Triton; PDRT kampeon sa Dragon Boat

MANILA, Philippines - Muling nakuha ng Phi­lippine Army ang kam­peo­nato sa men’s division ng dragon boat competition sa 2012 Manila Bay Seasports Festival na ginanap kamakailan.

Ang Triton naman ang nagwagi sa women’s division, at ang PDRT Firebla­des ang nanguna sa mixed division.

Nakamit naman ng mga batikang bangkero mu­la La Union at Iloilo ang kampeonato sa karera ng mga bangka. Si Daniel Car­rera ng Agoo, lulan ang kanyang bangkang “Alkoholik” ang nagwagi sa Formula Race, habang si Jefferson Abad naman na piloto ng “Shaine” ang nanalo sa Stock Race.

Ang Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Smart Communi­ca­tions, Caltex, Sugus, Gi­nebra San Miguel, Cobra Energy Drink, M. Lhullier, So Lucky Crackers, H2O Hotel, Cord Marine Epoxy at Harbor View Restaurant. 

Show comments