Black endorser pa rin ng Bosch

MANILA, Philippines - Sumali sa bagong koponan ang UAAP champion coach na si Norman Black. Ngunit hindi niya iiwanan ang Ateneo de Manila University na dinala niya sa apat na magkakasunod na kampeonato sa UAAP.

Ang ikatlong winningest coach sa kasaysayan ng PBA ay pumirma ng renewal contract sa Bosch Skill, isang tatak ng power handtools na gawa ng kumpanyang Ro­bert Bosch.

Si Black, isa sa pinakamahusay na import na naglaro sa PBA at isa sa apat lamang na nakakuha ng Grand Slam sa PBA para sa San Miguel Beermen noong 1989, ay gumagamit mismo ng mga Bosch handtools sa kanyang tahanan.

Kasama ang kanyang asawa, nagtayo si Black ng ma­liit na gym sa kanyang bahay gamit ang mga Skil tools tulad ng circular saws, cordless drill/drivers, cordless screw drivers, cordless tackers, cordless sealant guns, belt sanders, random orbit sanders, multi-sanders, angle grinders, hammers, drills, mixers, jig saws, lasers at mea­suring tools, reciprocating saws, routers, at planers.

Nakasama ni Black sa pagpirma niya ng kontrata no­­ong Marso 30 ay ang mga Bosch executives na sina Martin Valenzuela at William Go.

Show comments