Alcano pinayukod ni Chang sa 2012 PBB Face-Off Series

MANILA, Philippines - Nakatakas si Taiwane­se cue artist Chang Yu Long kontra kay Filipino Ro­nato Alcano para sa top prize ng Philippine Bigtime Billiards Face-Off series no­ong Sabado ng gabi sa Airport Pagcor Casino sa Pa­rañaque City.

 Nakuha ni Chang ang dalawang magkasunod na racks para igupo si Alcano, 9-7, sa race-to-9 event .

Nakamit ni Chang ang premyong $5,000, habang nagkasya naman si Alcano sa $2,500 sa winner's break format na pinamagatang Phi­lippines versus Asia.

Ang nasabing panalo ay nagdala din sa Team Asia para kunin ang 4-3 se­ries lead kontra sa Team Philippines.

Itinala ni Chang ang 5-2 abante matapos niyang mai­sargo ang tatlong sunod na racks.

Subalit umaahon mula sa nasabing pagkalubog si Alcano matapos niyang ma­ilapit sa 4-5 ang iskor.

Inangkin ni Chang ang da­lawa sa tatlong racks pa­ra sa kanyang 7-5 lamang. Na­gawa pang makatabla ni Alcano sa 7-7 sa 14th fra­me bago kunin ng Taiwa­nese ang dalawang nala­la­bing racks patungo sa ta­gumpay.

Noong Marso 24 ay gi­niba ni Francisco ‘Django’ Bustamante si Taiwanese Yang Ching-shun, 9-3, para itabla ang Team Philip­pines sa Team Asia, 3-3.

Magpapatuloy ang PBB Face Off series sa bang­gaan nina Liu Hai Tao ng China at Alex Pagula­yan sa Abril 14; si Liu kontra kay Dennis Orcollo sa Abril 21; at si Fong Pang Chao ng Chinese-Taipei katapat si Lee Vann Corteza sa Abril 28.

Show comments