MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng kanyang professional basketball career ay maaaring pumasok sa showbiz si Mic Pennisi.
“Acting is part of the game,” sabi ni Pennisi sa kanyang ‘delayed reaction’ matapos batuhin ng bola sa ulo ng bagong import ng Boosters na si Will McDonald sa 8:45 ng second period na nagresulta sa pagkakatalsik nito sa laro. “I might go into acting after my PBA career.”
Ang pagkakasipa sa laro sa 6-foot-11 na si McDonald ang sinamantala ng Barako Bull para kunin ang 94-80 panalo laban sa Petron Blaze sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Energy matapos talunin ang Meralco Bolts, 89-82, noong Sabado para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round.
May 4-4 baraha ngayon ang Energy katabla ang Alaska habang nalaglag ang Boosters sa 3-5 karta.
Mula sa 32-22 lamang sa pagkakasipa kay McDonald, pinalobo ng Energy ang kanilang kalamangan sa 24 puntos, 52-28, sa 1:15 ng third period mula kina import Rodney White, Willie Miller at Don Allado.
Sa kabila ng kawalan ng import, nakadikit pa rin ang Boosters, nagkampeon sa 2011 PBA Governor’s Cup, sa 10 puntos, 77-87, sa huling 1:52 ng fourth quarter buhat sa isang three-point shot ni Alex Cabagnot.
Ang basket ni Pennisi sa sumunod na tagpo ang tuluyan nang nagpreserba sa panalo ng Energy. (RC)
BarakoBull94-White41,Miller16,Pennisi11,Tubid10,Allado7,Arboleda3,Weinstein2,Aquino2,Seigle2,Najorda0,Pena0.
Petron80-Cabagnot17,Santos13,Yeo11,Guevarra9,McDonald7,Miranda7,Ildefonso7,Reyes5,Baclao2,Rizada2,Al-Hussaini0,Lanete0,Tugade0.
Quarterscores:30-20;52-32;74-52;94-80.