Concepcion bagsak kay Garcia sa round seven

MANILA, Philippines - Ilang kumbinasyon ang pinakawalan ni Miguel An­gel ‘Mikey’ Garcia ng Me­xico para talunin si dating Filipino two-time world title contender Bernabe Concepcion via seventh-round TKO sa kanilang title elimi­na­tor kahapon sa Coliseo Ro­berto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

Dalawang beses na­pabagsak ni Garcia si Concepcion sa round seven ba­go inihinto ng referee ang laban sa 2:33 nito.

Ito ang pang anim na ka­­biguan ni Concepcion pa­ra sa kanyang 29-6-1 win-loss-draw ring record nga­yon kasama ang 15 KOs.

Asam sana ng tubong Vi­rac, Catanduanes na ma­kakuha ng tsansa para sa World Boxing Organization (WBO) featherweight crown.

Dalawang beses na­bigo si Concepcion na ma­isuot ang WBO feather­weight belt.

Ito ay nang mapabagsak siya ni Juan Manuel Lo­pez sa second round no­ong Hulyo 10, 2010 at na-disqualified naman siya sa kanilang WBO featherweight bout ni American Ste­ven Luevano noong Agosto 15, 2009.

Sa kabiguan ni Concepcion, si Garcia (28-0-0, 24 KOs) ang inaasahang mag­hahamon kay WBO fea­therweight champion Or­lando Salido.

Muling tinalo ni Salido si Lopez via tenth-round TKO.

Nabigo din ang Filipino boxer na si Allan Tanada (11-1-2, 5 KOs) mula sa isang unanimous decision kay Gamalier Rodriguez (17-2-3, 12 KOs).

Show comments