Rose inilusot ang Bulls sa panalo

MILWAUKEE--Nilansi ni Derrick Rose ang depensa ni Brandon Jennings para sa kanyang winning shot kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Isinalpak ng reigning league MVP ang kanyang off-balance shot sa loob lamang ng 3-point line upang ilusot ang Chicago Bulls laban sa Milwaukee Bucks, 106-104, tampok ang kanyang 30 points.

“It was like a kid, all the things that you dream about,” sabi ni Rose.

Pinagkaguluhan si Ro­se ng kanyang mga ka­kampi matapos ang kanyang winning shot kasabay ng pagsigaw ng mga Bulls fans kay Rose ng “M-V-P!”

Nagdagdag naman si Joakim Noah ng 20 points at 10 rebounds para sa Bulls na nakuha ang ka­ni­lang pang walong sunod na panalo.

Inakala ni Jennings at ng Bucks na sasalaksak si Rose dahil sa pangit nitong outside shooting.

Naglista si Ersan Ilyasova ng career-high 32 points para sa Milwaukee at nagdagdag naman si Drew Gooden ng season-high 27 points.

Pinuwersa ng Bulls si Jennings sa 11 points mula sa kanyang 4-for-18 fieldgoal shooting.

Show comments